26

Weeeeeee…

Comments (6)

16

Na-murder si Bespren..


Kawawang bespren…


Takot na takot sya kasi alam nya may kasalanan sya…


Naku naman talaga…

Alam nyo ba kung pang-ilan na ni Bubbles yan? Pangatlo na! Naku, mukhang hindi loyal itong alaga namin sa kanyang mga bestfriends! Haha! Minumurder nya lahat! Nung una, medyo okay pa dahil kamay lang ang nawawala, pero nitong huli… lasog-lasog na talaga!

Itong asawa ko, pinagkatuwaan na naman si Bubbles… ayan, kinunan ng pictures. Tawa ako ng tawa.. kalokohan talaga nitong dalawang ito. Naku, bibili na naman kami ng panibago…

Comments (25)

12

Ang Pagbabalik

Hello… nagpaparamdam lang sa inyo mga blogfriends!! Alive and kicking pa naman po ako.. medyo tinamad lang ako kasi nga busy (daw!). Hindi ko pa masasabi kung for good na ba talaga ulit akong magb-blog gaya ng dati pero sana makapag-update naman ako dito kahit konti lang noh?? I know.. I know… I know.. pasaway!!

Maraming nangyari sa loob ng almost 7 months kong pagkawala. (Wow.. 7 months akong nawala?? Ang tatag!!) Nag-enjoy ako ng bonggang-bongga! Ano bang ginawa ko? Anong nangyari?

1. Kung saan-saan kami pumunta ng mahal kong asawa.
2. si Bubbles namin… ayon, dalaga na at hanggang ngayon e wala pa ring kapatid! Feeling ko nga magiging lola na ako.. buntis yata ang loka!! Susme..
3. Nagpunta kami ng South Carolina at nagtampisaw sa beach tapos umuwi na ulit. Yun lang..
4. For the first time, nag-bake ako ng pagkalaki-laking turkey noong Thanksgiving Day. Nasunog pero pagbigyan na… perst time e!
5. Nakuha ko na ang A+ Certification ko. (Thank you beri big Lord!)
6. Kumain ng napakalaking hamburger nung may County Fair dito.. in fairness masarap kaya lang feeling ko di na ako makalakad pagkatapos!
7. Nag-feeling bata at nanood ng Disney on Ice. (Oist, pangarap ko yun nung beybi pa ako ha.)
8. Pumunta sa Alaska para bisitahin ang aking la familia. Kaya lang, alam nyo bang bago kami nakarating ni Papa sa Alaska e na-stranded muna kami ng sobra-sobra! Sa ticket namin… puro STANDBY ang nakalagay! Lech! Ngali-ngali kong pilasin.. ang bagahe namin na-stranded din. Buti na lang dumating ng Dec. 24, dahil kung hinde… sorry mga inaanaks!
9. Dapat kasama namin si Bubbles sa Alaska, kaya lang ayaw payagan sa airport… sad!
10. Walang masyadong snow sa Alaska kaya hindi na-excite si Mike. Haha! (Sa totoo lang, nag-iisip kaming dalawa talaga kay Bubbles!)
10. Walang tigil sa pagluluto ang nanay at tatay ko nung andon kami… resulta, eto bondying na kami pareho ng Papa! Kaloka!
11. Kinu-chaba ako ng kapatid ko para mag-Guitar Hero. Enjoy naman ako kahit nasa EASY stage pa lang ako. Haha!
12. Byaheng pabalik dito sa North Carolina, na-stranded na naman kami sa Chicago! Gusto ko na talagang magwala nung mga oras na yon pero to the rescue ang mga inlaws.
13. Ayaw kaming pasakayin sa tren ng mga inlaws dahil daw delikado… ni-try namin, okay naman ah! Nakatipid pa kami…
14. Pagbalik ko sa trabaho, feeling ko nagtampo ang mga computers dahil puro problema ang hatid ng mga loka-loka! Haaaynaku!
15. Nag-snow ng bonggang-bongga dito sa NC! Mag-three years na ako dito pero ngayon ko lang na-experience yan.
16. Ng dahil sa snow… ilang araw kaming walang pasok! Yahhooo…
17. Binili ako ng Papa ng laptop na puti. Sa trulili lang, suhol yon dahil nag-crack ang LCD nung isang laptop.. syempre, kasalanan nya pero bumawi ng todo-todo!
18. Yung last post ko dyan sa baba, ayun.. nanganak na silang dalawa at nabinyagan na rin ang mga baby nila.
19. Ang pinakamagandang nangyari… TITA na ako! Weee.. feel na feel ko. Wala lang… ang gwapo kasi ng pamangkin ko, parang gusto kong bilhin. Nyahaha! Joke lang.. labs ko lang sya talaga!

Naku… naku naman talaga! Ngayon, magbabahay-bahay naman ako. Kapag may kumatok sa inyo, ako yun! Hehehe! Na-miss ko kayo trulili! Sana naman e hindi nyo pa ako nalimots.. yaaaay!

‘Til next…

Comments (29)

15

Baby Shower? Kailan?

Pinagsabay ang baby shower ng dalawa kong kaibigan dahil halos magkasunod lang naman ang kanilang due date. Masaya, lalo na ang mga games. Ang aming mga asa-asawa, wala… nakikigulo lang sila at syempre taga-picture.


Mga buntis…


Game time…


Kami…

Kaya lang… alam nyo ba, nangalay ako. Saan? E paano ba naman kasi, walang humpay akong sumasagot sa walang humpay na katanungan ng mga tao doon.

“O ikaw, kelan ka?”

“O, may laman na ba?” (sabay himas sa tyan ko!)

“O, ano na? Wala pa ba?”

Syempre, todo smile lang ako at kung ano-ano na lang mga biro ang pinagsasagot ko. Kaya lang nung uwian na, para akong kinurot sa puso. Napa-isip tuloy ako… kelan nga kaya noh?? Hmmmm…

Ewan natin, basta ang alam ko darating din ang tamang panahon para don. Sabi siguro ni God e mag-enjoy daw muna kami ni Mike. Hehehehe…

Comments (30)

5

Happy Birthday America

Marami na namang fireworks pero kahapon kami nanood sa loob ng base. May mga banda at syempre maraming pagkain. Hehehe! Kanina may fireworks na naman sa may mall. Di na kami lumabas dahil kita naman sa may bintana e, saka maysakit ang Fafah Mike ko ngayon.

Pinagluto ko sya ng masarap at mainit na sabaw, sana gumaling na sya! Yaaayyy…

Kanina lang…

*ako’y nagco-computer habang ikaw ay natutulog sa tabi ko

ikaw: ang dami ano ma??
ako: huh??
ikaw: ma…
ako: ano?
ikaw: mahal kita ma…
ako: huh??

Tsk.. tsk… akala ko gising na, yun pala nagsasalita habang natutulog. Hehehe! O sige na nga… aylabyutu!! Pagbigyan ang maysakit… :)

Comments (29)

· « Previous entries